DILG Camarines Sur nagbababala sa mga gumagamit ng emergency vehicles sa personal na lakad

CAMARINES SUR- Nagbabala ang Department of Interior and Local Government sa lahat ng mga elected at appointed officials na huwag gamitin sa personal na lakad ang mga emergency vehicles lalo na ngayong season ng mga bagyo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni DILG Camarines Sur Provincial Director Julius Cal-Ortiz, ang mga gamit ng gobyerno ay para sa mga opisyal na transaksyon lamang. Mas mabilis ang responde kung laging on-stand by ang mga sasakyan hindi sa kung nasaan.

Nitong Abril, nakarating sa DILG Bicol ang umano’y paggamit ng MDRRM vehicle ng Ragay sa personal na lakad. Pinagpaliwanag ang MDRRM officer ukol dito. Sinubukan ng BNFM Naga na kunan ng pahayag pero ayon kay Engr. Neopito Tipay Jr, nagpasya silang huwag nang magbigay dahil satisfied na ang DILG sa kaniyang paliwanag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *