DILG, hinikayat ang mga LGUs na paigtingin ang information drive sa SIM Card Registration Act

Inabisuhan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang iba’t ibang mga local government units (LGUs) sa bansa na pataasin ang awarenes sa kani-kanilang mga constituents para sa bagong lagdang Republic Act No. 11934 o ang SIM Card Registraction Act.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abalos na dapat ay magkaroon na ng mga information drives ang mga LGUs para i-educate ang publiko kung papaano nila ipapa-register ang mga numbers nila.

Sabi pa ng Kalihim, dapat ipa-intindi ng mga LGUs sa kanilang nasasakupan ang kahalagahan ng SIM card registration para malabanan ang mga cybercrims sa bansa.

Ayon kay Abalos, malaki ang maitutulong ng batas para masugpo ng iba’t ibang mga law enforcement agencies ang mga ‘communication-aided criminal activities’ kagaya na lamang ng mga mobile phishing, online scams, bank frauds, at identity theft.

Pinatitiyak din ng Interior Secretary sa mga barangay captains at mga local chief executives sa mga remote areas na handa itong tumulong sa pagpo-proseso ng mga kinakailangang dokumento at iba pang mga requirements at ang pagse-set-up ng mga registration centers.

Ani Abalos, hindi lahat ng mga Pilipino ay may access sa internet at iba pang uri ng komunikasyon kaya dapat ay tumulong ang mga LGus para ipakalat ang tamang proseso para sa SIM card registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *