DILG hinimok ang mga LGU na patuloy na ipatupad ang ordinansa sa road clearing

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit na patuloy na ipatupad ang ordinansa sa road clearing.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni DILG Provincial Director Melody Relucio na dapat hindi huminto ang mga LGU sa pagpapatupad nito upang masiguro na walang obstruction sa mga kalsada.

Aniya, sa ngayon ay wala pang schedule ng evaluation ang DILG  upang makita ang performance ng mga LGU.

Nilinaw din ni Relucio na responsibilidad ng LGU na siguraduhing mapapanatiling maayos ang daloy ng trapiko at proteksyunan ang pedestrian.

Taon- taon umano ay nagkakaroon ng evaluation ang ahensiya upang makita kung naipapatupad ng mga LGU ang kanilang ordinansa sa road clearing.

“Linawin ko lang po ulit pagdating sa road clearing ha, the responsibility po in instituting and really enforcing the road clearing operations ay nasa Lokal na Pamahalaan, naibigay po yun sa kanila kasi sila dapat ang nagmi- maintain ng maayos na roads nila and street na walang obstruction sa regular flow ng ating mga sasakyan at maprotektahan din po natin ang ating pedestrian,” ani Relucio.

Nagbabala ang ahensiya na posibleng maharap sa kasong administratibo ang isang Local Chief Executive kung mabibigo itong ipatupad ang ordinansa.

“Kung hindi mo yan nai-implement hindi po sa amin ang justification niyan kundi nasa mamayan dahil nag e- expect ng proper observance ng local laws and national laws indi man po ang DILG di ba, ang nag i- expect ng implementation na yan ay ang mamamayan mismo at sila ang nakakaramdam kung sila ba ay apektado o hindi.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *