DILG, inilunsad ang urban farming program para matugunan ang food security sa bansa

Inilunsad ang Department of Interior and Local Government ang urban farming program para matulungan ang mga barangay na matiyak ang food security sa bansa.

Ayon kay Abalos, oobserbahan muna ng DILG ang implementasyon ng naturang proyekto sa mga susunod na buwan, bago pagdesisyunan kung gagawing mandatory ang urban farms sa lahat ng mga barangay.

Ang HAPAG sa Barangay Project ay nakatakdang magsilbi bilang istratehiya para ma-diversify ang food sources at makatulong sa pagtitiyak ng food security sa bansa.

Layunin din nito na mapalakas ang kapasidad ng mga barangay para sa sustainable agriculture initiatives sa pamamagitan ng community gardening sa kanilang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *