DILG ipa-uubaya sa mga LGUs ng NCR kung papayagan makalabas ang mga bata

Ipina-uubaya na ng Department of Interior and Local Government sa mga LGUs sa National Capital Region kung papayagan ng mga ito na makalabas na sa kanilang mga pamamahay ang mga edad 18-taong gulang pababa.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing may ilang Mayors pa rin kasi sa Metro Manila ang nag-aalangan na palabasin ang mga bata.

Pero batay sa general rules ng IATF pwede nang lumabas ang mga bata sa ilalim ng Alert level 3.

Pinayuhan naman ni Densing ang mga alkalde ng Metro Manila na magsagawa ng pulong ngayong araw para pag-usapan ang naturang isyu.

Nabatid na simula bukas October 16, ibinaba ng IATF sa Alert Level 3 ang status ng NCR matapos maitala ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at maabot ang mahigit 75% na fully vaccinated sa kabuoang populasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *