DILG, ipinag-utos ang mas maigting na pagpapatupad ng MPHS sa NCR re: Alert Level 4

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas pinaigting na pagpapatupad sa minimum public health standards sa Metro Manila sa gitna ng pagshift ng rehiyon sa Alert Level 4.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kailangan matiyak na susundin ng mga tao ang MPHS gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng transmission ng virus.

Dagdag ni Año, kailangan na ireactivate ng mga LGUs at ng NCRPO ang kanilang task force disiplina, barangay disiplina brigades, force multipliers at police marshals para ma-manage ang restricted activities.

Batay sa bagong panuntnan ng gobyerno na may alert level system, sinabi ng DILG na papayagang ng limang alert levels ang karamihan sa mga aktibidad maliban sa mga tinukoy bilang closed, crowded at close contact o 3Cs.

Sa implementation ng bagong alert level system, nanawagan ang DILG sa lahat ng mga barangay captains at chiefs of police na mahigpit na i-monitor ang lahat ng aktibidad sa kanilang mga nasasakupan para matiyak ang compliance sa bagong panuntunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *