DILG: Isuot ang vaxcard habang nasa labas

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang publiko na isuot ang vaccination card gamit ang lanyards kapag nasa labas.

Ayon kay DILG undersecretary Martin Diño, kailangang nakasabit sa leeg ang vaxcard para mabilis na malaman ang vaccination status ng isang indibidwal.

“Kung ikaw ay bakunado na, paglabas mo ng bahay ay isuot mo na yung vaccination card. Why? Yung ma parokyano ng…tatanungin ‘bakunado ka na ba?’ Paano mo malalaman kung bakunado kung hindi nakasabit ang vaccination card? At paglabas mo ng bahay, hindi ka na maaabala ng pulis, ng barangay na tatanungin ka ‘nasa ang vaccination card mo?’ kung antimanong isasabit mo na sa iyong dibdib,” ani ni.

Ayon kay Diño, susulat siya sa Inter-Agency Task Force para ito ay tuluyang maipatupad sa kada barangay.

“Ito sana ang maging sakripisyo ng bawat Pilipino na nabakunahan,” dagdag pa nito.

Kailangan isuot ang card kasama ang face mask at face shield.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *