DILG may hamon sa mga bagong manunungkulan sa Barangay

CAMARINES NORTE – Nag- iwan ng hamon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga bagong manunungkulan sa Barangay upang maging maayos ang kanilang pagseserbisyo.

Sa kaniyang talumpati sa Mass Oath taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa bayan ng Basud, Camarines Norte noong Biyernes, iniisa- isa ni Provincial Director Melody Relucio ang mga katangiang dapat taglayin ng mga mamumuno sa Barangay upang maayos ang kanilang pangogobyerno.

Ani Relucio dapat ang mga opisyal ng Barangay ay may paninindigan at isabuhay ang sinumpaang tungkulin na magsserbisyo ng buong husay at katapatan.

Malaki umano ang inaasahan ng mga namamaranggay sa kanilang mga bagong halal na opisyal.

Dapat din umanong bantayan ng bawat isa ang yaman at resources ng Barangay at sama- sama sa pagnanais na makapagbigay ng development.

Aniya bagamat magkakaiba ng grupo noong nagdaang eleksyon ay dapat sama- sama sa pagkilos para sa ikabubuti ng Barangay.

Pinaalalahanan din ni Relucio ang mga ito na maging โ€˜transparentโ€™ o bukas sa publiko dahil mas aani ito ng tiwala mula sa mga namamarangay.

Panahon na rin umano para kalimutan ang mga hindi pagkakasundo at sugat na dulot ng eleksyon at ang mga nanalo ay dapat siyang maunang bumati sa mga nakaalitan.

Naniniwala rin ang opisyal na mas malaking hamon ngayon sa mga manunungkulan dahil dalawang taon lang silang magsisilbi o hanggang December 31, 2025. Muling magkakaroon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa unang Lunes ng December 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *