DILG, nagbabala sa LGUs laban sa mga pekeng Pfizer vaccines

Naglabas ng advisory ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng advisory laban sa kumakalat na pekeng Pfizer COVID-19 vaccines sa global market.

Sinabi ni Interior Secretaary Eduardo Año na dapat ay maging maingat ang mga local government units (LGUs) at ang publiko kung saan nila kinukuha ang kanilang mga bakuna upang matiyak na ligtas ang mga ito.

Ayon kay Año, wala pa silang impormasyon kung meron nang presensya ng pekeng bakuna sa bansa, ngunit dapat ay maging alisto ang mga LGUs dahil delikado sa kalusugan ang pagtuturok ng pekeng bakuna.

Binigyang diin ng kalihim na ang kailangan na tin ay proteksyon mula sa virus at hindi isang panibagong problema na maaring idulot ng pekeng bakuna.

Samantala, inutos naman ni Año sa Philippine National Police na imbestigahan at kumpiskahin ang anuman pekeng COVID-19 vaccines na posibleng nakapasok na sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.