DILG, nagbabala sa LGUs vs. pekeng Pfizer COVID-19 vaccine

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units at sa publiko laban sa pekeng Pfizer COVID-19 vaccine.

Sa isang statement, nanawagan si DILG Secretary Eduardo Año  sa lahat ng mga lokal na opisyal hanggang sa barangay level na maging mapagmatyag matapos mag-isyu ang World Health Organization (WHO) ng alerto na posibleng may nagkalat na pekeng Pfizer COVID-19 vaccine sa merkado.

Kamakailan lamang ay nag-isyu ang WHO ng global medical product alert kaugnay ng pekeng COVID-19 vaccine na mayroong product name na BNT162b2 na sinasabing ginawa raw ng Pfizer BioNTech.

Ayon sa kalihim, habang wala pang impormasyon tungkol sa presensya ng pekeng bakuna sa bansa, binabalaan ang mga local executives kaugnay ng kanilang vaccine sources o chain of supply at tiyaking lahat ng medical products partikular na ang COVID-19 vaccines ay dapat kunin mula sa authorized o licensed suppliers.

Kaugnay nito, inatasan din ni Año  ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa imbestigasyn at sa pag-kumpiska ng mga pekeng bakuna.

Hinimok din ng kalihim ang publiko na agad i-report sa National Task Force Vaccine Cluster ang kahit anong impormasyon sa presensya o paggamit ng BNT162b2 sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.