DILG nagsorry sa police visitation sa mga media practitioner

Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Benhur Abalos matapos pagbisita ng mga pulis sa mga bahay ng ilang mamamahayag upang tanungin kung nakatanggap sila ng mga banta sa kanilang mga buhay.

Ayon kay Abalos bagamat maganda umano ang intensiyon nito, lumikha naman ito ng panic sa mga journalist.

Sinabi ni Abalos na hindi na mauulit ang naturang pangyayari na nagdulot umano ng pagkatakot sa ilang miyembro ng media.

Una nang humingi ng sorry ang National Capital Region Police Office matapos magreklamo ang mga miyembro ng press ng paglabag sa privacy habang bumibisita ang mga pulis sa kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Abalos na nalaman lang niya ang nangyari matapos na may mag-forward ng mga kopya ng tweets ng broadcaster na si JP Soriano.

Sa ngayon nasa proseso na umano ang DILG ng pag-oorganisa ng isang pagpupulong kasama ang mga media group at mga kumpanya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *