DILG pinawi ang pangamba ng mga ‘unvaxxed people’ matapos ipakuha ang pangalan sa barangay

Pinawi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangamba ng publiko matapos nitong ipag-utos sa mga barangay na kunin ang mga pangalan ng mga bakunado at hindi pa bakunadong indibidwal.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño isa sa mga dahilan kaya kinukuha ang datos ng mga hindi pa bakunado ay para malaman kung gaano pa karaming bakuna ang ilalaan ng gobyerno.

Paliwanag ni Diño layon din nitong matukoy ang tao na magiging target sa mga programang ihahain ng pamahalaan upang maengganyo ang mga itong magpabakuna.

Tutulungan din umano ang hindi pa bakunadong indibidwal na ma-schedule sa mga vaccination sites.

Binigyan diin naman ni Diño na ginagalang nila ang kagustuhan ng tao sa usapin ng pagbabakuna subalit dapat din umanong maintidihan ng mga ito na obligasyon ng pamahalaan na protektahan ang kapakanan ng mas nakakarami.

Leave a Reply

Your email address will not be published.