Local News

DILG Sec., pinuri ang PNP Bicol sa mga ginawang anti-illegal drugs campaign

Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. nitong Biyernes ang Police Regional Office 5 sa mga nagawa nitong anti-illegal drugs campaign sa paglulunsad ng “Buhay Ingatan, Droga’ y Ayawan (BIDA) program sa Camp Simeon Ola.

Sa naging pahayag ni Abalo, binati nito ang buong kapulisan sa mga accomplishments pagdating sa anti-illegal drugs kung saan may ilang mga barangay na idineklara nang drug-free at pagkakahuli sa No. 1 drug pusher.

Aniya, ang pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng gobyerno, stakeholders at mga komunidad ay napakahalaga sa pagsasakatuparan ng layunin na mabawasan o tuluyan nang mawala ang paggamit ng iligal na droga.

Ayon sa datos ng PNP Bicol, 2,170 sa 2,793 drug-affected barangays ang itinuring nang “drug cleared” noong Enero 18, 2023.

Ang lalawigan ng Sorsogon ang may pinakamataas na bilang ng may mga drug-cleared barangays na may 97%, at Catanduanes na may 93%. Kabilang sa mga kraytirya upang madieklarang drug-cleared ang isang barangay ay ang hindi pagkakaroon ng supply ng droga, kawalan ng drug transit, laboratoryo, bodega, pusher, user, at protector; pagkakaroon ng mga programa sa mamamayan o komunidad, pag-iwas sa droga, boluntaryong paggamot sa droga at pagpoproseso ng rehabilitasyon.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago