DILG Secretary Abalos, ipinag-utos na imbestigahan ang pagkamatay sa Adamson University student dahil umano sa hazing

Nag-utos ng isang imbestigasyon si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kaugnay sa pagkamatay ng isang Adamson University student na natagpuan sa Imus.

Ayon kay Abalos, agad nilang paiimbestigahan at aalamin kung ano ang mga nangyari sa pagkamatay ng engineering student na si Matthew Salilig. Aniya, kahit ano mang uri ng karahasan na humantong sa kamatayan, dapat agad imbestigayan.

Mababatid na sa ulat ni BiƱan Police acting chief Police Lieutenant Colonel Virgilio Jopia, nakitaan nila ang biktima ng mga senyales na na-hazing ito.

Maliban umano sa naging pahayag ng witness, nakitaan din si Salilig ng mga pasa sa binti. Samantala, patuloy na hinihintay ng mga pulis ang resulta ng otopsiya sa labi ng naturang estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *