DILG Sorsogon nilinaw ang kanilang papel sa pagsupervise sa mga LGU

Nilinaw ni DILG Sorsogon Program Manager John Dela Rama ang kanilang ginagampanang papel sa pagsupervise sa mga local government units.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon, sinabi ni Dela Rama na hindi sila ang disciplining authority sa mga ito kundi ang nakakasakop na mas nakakataas na unit ng local government.

Halimbawa, kung ang barangay ay may nagawang paglabag, ang City o Municipal LGU ang dapat na umaksyon habang ang provincial LGU naman ang may diskresyon sa mga municipal at city government officials.

Kabilang aniya sa kanilang mga mandato ang pagsiguro na ang mga polisiyang ipinatutupad ng mga LGU ay naaayon sa Local Government Code (LGC) kabilang na rin ang pagtitiyak na tama ang paggamit ng mga ito sa pondo ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *