DILG wala pang ibinibigay na rekomendasyon kay PRRD para sa next PNP chief

Kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año na wala pa silang isinusumiteng rekomendasyon para sa susunod na PNP Chief na papalit kay Gen. Guillermo Eleazar.

Si Eleazar ay nakatakdang magretiro sa susunod na buwan.

Ayon kay Año posibleng sa huling linggo ng Oktubre sila makapagsumite ng mga listahan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maaaring humalili kay Gen. Eleazar.

Inihayag naman ng DILG secretary na seniority, merit at service reputation ang kanilang magiging basehan para isama sa listahan ng kanilang rekomendasyon.

Si Eleazar ang ika-anim na PNP chief sa ilalim ng Duterte Administration at nakatakdang magretiro sa Nobyembre a-trese matapos nitong maabot ang retirement age na 56.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *