Wi-nelcome ni Interior Secretary Benhur Abalos ang naging inisyatibo ng iba’t ibang mga local government units (LGUs) para tulungan ang mga rice retailers na apektado ng ipinataw na price cap sa presyo ng bigas.

Matapos ang pamamahagi ng ayuda sa Caloocan City – sinabi ni Abalos na ang pagtutulungan ng mga LGUs ay patunay lamang at nagpapakita na talagang nagkakaisa ang lokal na pamahalaan at ang national government.
Malinaw daw itong indikasyon na ang mga LGUs ay inuuna talaga ang kapakanan ng kanilang mga constituents.
Kung maaalala – mula nang i-anunsyo ang price ceiling sa bigas, nag-alok na ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ng tulong.
Kabilang na rito ang libreng rental fee, ‘o ‘di kaya nama’y financial aid na maliban pa sa ibibigay ng DSWD.