Diocesan March of Saints muling itampok ngayong taon sa bisperas ng undas

CAMARINES NORTE – Isasagawa muli ngayong taon ang Diocesan March of Saints sa bisperas ng undas o sa October 31 na ilang taon na ring naging tradisyon sa Diocese of Daet.

Hindi lang ito nagawa noong 2020 bunsod ng mga restrictions dahil sa COVID- 19 pandemic.

Noong isang taon ay nagkaroon ng March of Saints pero naging limitado lang ang participants at hindi na rin umikot sa mga pangunahing lansangan dito sa Daet.

Ngayong taon ay magsisimula ang aktibidad sa ganap na alas tres ng hapon sa Paroquia De San Juan Bautista at magmamartsa ang mga kalahok na naka- costume ng iba’t- ibang santo at santa patungo sa Holy Trinity Cathedral.

Pagdating sa katedral ay pangungunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon ang Pontifical Concelebrated Mass.

Ayon sa simbahan ang Marchs of Saints ay panawagan sa lahat  ng kristiyano na sundan at gawing modelo ang mga banal sa langit.

Tugon din ito ng simbahan sa lumalaganap na maling paniniwala kung saan sa halip na solemneng ipagdiwang ang araw ng mga banal ay ginagawa ng ibang katatakutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *