Diocese of Daet hinimok ang mga maaari nang bomoto na magparehistro para makaboto sa darating sa eleksyon

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Diocese of Daet ang mga maaari nang bomoto na magparehistro na para makaboto sa darating na halalan sa susunod na taon.

Ito ay dahil dalawang linggo na lamang ang natitirang panahon para sa pagpa-rehistro na ang deadline ay sa September 30 ng taong kasalukuyan.

Sa isang pahayag sinabi ni Bishop Rex Andrew Alarcon na mahalaga ang halalan para sa kinabukasan ng bansa at kapakanan ng bawat isa kaya’t kailangan umanong makilahok sa pamamagitan ng pagpunta sa mga tanggapan ng Comelec.

Ang pakikilahok umano sa halalan at wastong pakikisangkot sa pagpapatakbo ng lipunan para sa ikabubuti ng lahat ay bahagi ng tungkulin bilang mga Kristiyano.

Pinakiusapan rin nito ang mga Parish Social Action Ministry (PSAM) ng bawat parokya, na ipalaganap ang paalang ito.

Bukas ang mga tanggapan ng Comelec mula alas 8 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi Lunes hanggang Biyernes at alas 8 naman ng umaga hanggang alas 5 ng hapon tuwing Sabado at holidays.

Batay sa datos ng Comelec umaabot na sa 358, 589 ang kabuuang total registered voter sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *