Diocese of Daet magpapadala ng tulong sa mga biktima ng itinuturing na “deadliest” quake na tumama sa Turkey at Syria.

CAMARINES NORTE- Magpapadala ng tulong ang Diocese of Daet sa mga biktima ng itinuturing na “deadliest” quake na tumama sa Turkey at Syria.

Ito ang inanunsiyo nitong Linggo, February 12, ni Bishop Rex Andrew Alarcon bago matapos ang misa sa Holy Trinity Cathedral dito sa Daet.

Noong mga nakalipas na taon ay ginagawa na rin ng lokal na simbahan ng Daet na mangalap ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad sa iba’t- ibang panig ng bansa at maging sa labas nito.

Nagkaroon ng second collection at ito ay nakalaan para sa mga biktima ng malakas at malawak na lindol kung saan libo- libo ang namatay.

Ayon sa report umaabot na sa mahigit 21,000 ang nasawi sa lindol at inaasahang madagdagan pa ito habang nagpapatuloy ang search operation.

Una na ring sinabi ng mga awtoridad sa mga nabanggit na bansa na mababa na ang posibilidad na may makuha pang buhay habang lumilipas ang mga araw.

Si United Nations Secretary General Antonio Guterres ay nanawagan na para sa karagdagang pag-access ng tulong sa northwestern Syria mula sa Turkey.

Humingi rin ito ng tulong mula sa UN Security Council upang payagan ang tulong ng UN na maihatid sa pamamagitan gamit ang maraming borders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *