Diokno, iginiit na matatag na ang ekonomiya ng Pilipinas para harapin ang post-pandemic world

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa mga foreign investors at business leaders na matatag na ang ekonomiya ng Pilipinas, at ginagawa ng gobyerno ang lahat para matugunan ang post-pandemic challenges.

Ginawa ni Diokno ang pahayag sa Philippine economic briefing na dinaluhan ng mga economic managers sa Frankfurt, Germany.

Binigyang diin ng Finance chief, na ang inflation ay isa rin sa mga concern ng Pilipinas gaya umano ng ibang mga bansa, pero ginagawa na ang mga hakbang para matugunan ito.

Kabilang sa mga aksyon ng pamahalaan ay ang pagmanage sa mga presyo sa pamamagitan ng pagtitiyak sa mga suplay ng agricultural products, at pagpapalakas sa kapasidad ng agriculture sector at productivity para makatulong na matugunan ang tumataas na commodity prices, at iba.

Sa huli, tiniyak ni Diokno sa mga investors na inilatag na ng gobyerno ang fiscal consolidation program para matugunan ang tumataas na government liabilities, dahil sa bahagi ng pagtaas ng borrowing sa finance pandemic-related programs.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *