Diokno, kumpiyansang malalampasan ang 2022 collection target ngayong taon

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na malalampasan ng gobyerno ang ang target collection nito ngayong taon.

Sa data mula sa Bureau of the Treasury, ipinakita ng national government na umabot ng 2.9 trillion pesos ang kita na nalikom noong katapusan ng Oktubre. Tumaas umano ito ng 18.31 percent mula sa 2.5 billion pesos noong Enero hanggang October 2021.

Ang pinagsama-samang koleksyon ay 89% ng P3.3 trillion na target na kita para sa buong taon.

Sinabi ni Diokno na naabot na ng Bureau of Customs ang taunang target nito habang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay “slightly behind.”

Mula Enero hanggang Oktubre, nakolekta ng Customs ang P713.5 bilyon, tumaas ito ng 35.81% year-on-year at 99% ng P721.5 billion full-year goal.

Sa kabilang banda, nakakolekta ang BIR ng P1.9 trilyon na 12.56% sa parehong panahon noong nakaraang taon at umabot sa 80% ng P2.4 trilyon na target.

RELATED STORY:


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *