National

Diokno, nanawagan ng overhaul sa military pension system

Nanawagan si Finance Secretary Benjamin Diokno ng hiwalay na retirement at pension fund para sa mga military uniformed personnel (MUP).

Sa isang media briefing, inilarawan ni Diokno na “big drain” sa national budget ang kasalukuyang pension system.

Ang gobyerno aniya ay gumagastos ng P848.39 bilyon taun-taon para sa susunod na 20 taon.

Aniya, ilang sundalo sa kasalukuyan ang nakakakuha ng pension nang hindi man lang raw nakakapag ambag sa bansa.

Inihalimabawa ni Diokno,  ang isang retiradong heneral na tumatanggap  ng buwanang pension na P131,000 na walang buwis.

Ang kasalukuyang sistema ay maaari rin raw makaapekto sa iba pang mga proyekto ng gobyerno tulad ng edukasyon at kalusugan.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago