Direct flight sa pagitan ng PH at USA, inilunsad ng United Airlines

Inilunsad ng United Airlines ang direct flight o direktang biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos (USA).

Ayon kay Regional Director for Sales sa Greater China, Korea, at Southeast Asia na si Walter Dias, marami ang travel demand sa USA papuntang Pilipinas dahil sa turismo ng bansa.

Aniya, makakabenepisyo rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa bagong lunsad na direktang flight.

Mababatid na may direct flights din ang Philippine Airlines (PAL) sa Estados Unidos.

Gayunpaman, hindi naman ito ikinabahala ng PAL President at Chief Operating Officer (COO) Stanley Ng ang kompetisyon sa pagitan ng kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *