Direk Bobot, itinangging nag-walk out sila ni JLC mula sa MMDA vaccination site

Nilinaw ng aktor at direktor na si Edgar Bobot Mortiz na hindi totoong nag-walk out sila ni John Lloyd Cruz sa MMDA vaccination site noong June 17.

Ayon kay Mortiz, niyaya niya kasi noon si Lloydie na magpabakuna kaya laking gulat nila na meron nang mga camera ang naka-set up sa vaccination site.

Ipinunto rin ni Mortiz na nahiya siya kay Lloydie noong nasabing araw dahil siya ang nag-aya na magpabakuna at ayaw niyang isipin ng aktor na na-trap ito.

Sa kabila niyan ay sinabi ni Mortiz na tumagal pa sila sa vaccination site, kung saan ay nakipagkwentuhan pa sila at nakasama ang mga empleyado ng MMDA.

Anya, kinuhanan pa si Lloydie ng video message sa pamamagitan ng cellphone.

Hindi naman naiiba ang kwento ni direk Bobot sa pahayag ni direk Joey Reyes nang ma-interview ito ng Pep.

Sinabi ni Reyes na walang walk-out ang nangyari ngunit hindi lang pumayag ang aktor na magpa-video dahil wala naman ito sa kanilang usapan.

Matatandaan na lumabas sa ulat ng PEP na meron itong source na nakasaksi sa umano’y pag walk-out nina John Lloyd at Bobot nang hingian sila ng video message ni direk Joey.

Itinanggit rin ni Joey na si Bobot ang pinariringgan niya sa isang Facebook post kung saan ay sinabi niya na, “RESPECT BEGETS RESPECT. Treat me like shit and I will treat you like toilet paper.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *