‘Disappointed’ Djokovic, aalis na ng Australia

Inihayag ni Novak Djokovic na labis siyang dismayado sa desisyon ng Australia na ipadeport siya.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Djokovic na tatalima at aalis siya ng naturang bansa.

Mababatid na sa kanyang 11-day battle dahil sa kawalan ng Covid-19 vaccine na umagaw sa atensyon ng buong mundo, nakansela ang visa ng tennis ace sa Melbourne airport, at naibalik matapos ang procedural issue, na kalauna’y muling kinansela ng gobyerno.

Ang defending Australian Open champion ay lumipad sa Melbourne noong January 5 sa pag-asang makukuha ang titulo sa ika-sampung pagkakataon, at maging kauna-unahang men’s player sa kasaysayan ng laro na makakakuha ng 21 Grand Slam titles.

Leave a Reply

Your email address will not be published.