‘Diskriminasyon’ umano sa unvaxxed individuals, napuna ng ilang senador

Tinutulan ng ilang senador ang sa tingin nito ay diskriminasyon laban sa mga Pilipino na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng implementasyon ng “No Vaccination, No Ride” na polisiya ng Department of Transportation.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi dapat dini-discriminate ng administration ang mga commuters na hindi pa bakunado.

Sa halip aniya, ay dapat humanap ang gobyerno ng mga alternatibong paraan maprotektahan ang mga hindi pa bakunadong indibidwal mula sa nakamamatay na virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *