Displaced OFWs sa Saudi Arabia, tatanggap ng tig-10k na humanitarian aid mula sa pamahalaan

Makakatanggap ng tig-P10,000 na humanitarian aid mula sa pamahalaan ang mga Displaced OFWs sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, maglalabas ang gobyerno ng P100 milyon para matulungan ang mga OFWs habang hinihintay ang resulta ng pag-uusap na nakatakda ngayong buwan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia tungkol sa kanilang back pay.

Ang pondo ay sasagutin nng Overseas Workers Welfare Administration at ng Department of Social Welfare and Development. Inaprubahan ng OWWA Board of Trustees ang tulong sa kanilang pulong kahapon.

Sinabi ni Ople na base sa kanilang record, mahigit 100 Saudi claimants ang pumanaw na habang naghihintay na makolekta ang naipong back wages mula sa Saudi construction firms.

Habang mayroon pang halos 13,000 OFWs ang naapektuhan matapos na magsara ang kanilang kumpanya dahil sa bankruptcy noong 2015 at 2016.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *