Naglabas ng pagkadismaya si Mayor Abby Binay sa isang social media platform matapos ang “last-minute attempt” sa pagpapatigil ng pagbibigay niya ng tulong na school supplies sa mga mag-aaral na sakop ng “EMBO” barangays.
Iginiit ni Binay na nakatanggap siya ng approval kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte at Atty. Michael Poa na gamitin ang mga eskuwelahan sa pagbabahagi ng mga school supplies.

Ayon pa sa nasabing mayor, walang narinig ang kabilang panig mula sa kanila matapos pumasok ng mga ito sa eskuwelahan at magbigay ng mga gamit ng walang written authority.
Kaugnay ng nasabing insidente, kinwestyon ni Binay ang sinabi ng lokal na pamahaalaan ng Taguig na isasaalang-alang nito ang kapakanan ng mga kabataan.
Samantala, nasa 45,000 na estudyante mula kinder, elementary, junior and senior high, at SPED ng EMBO barangays ang naging benepisyaryo ng Project FREE (Free Relevant and Excellent Education).