Divorce bill, aprubado na ng Senate panel

Lusot na sa Senate panel ang consolidated bill na nagpapalawak sa grounds for dissolution of marriage, at magpapatupad ng divorce sa bansa.

Ayon sa Senate committee on women, children, family relations, and gender equality, habang nagpapatuloy ang estado na kilalanin ang pagkakaroon ng pamilya, dapat pa rin aniyang maprotektahan ang dignidad ng bawat tao; matiyak ang full respect para sa human rights; at mapanatili ang human rights, at ang fundamental equality sa harap ng batas; at higit sa lahat ay ma-safeguard ang interest ng mga bata.

Sinabi rin nito na dapat i-adopt ng State ang polisiya kasabay ng kalayaan na ginagarantiya sa ilalim ng Konstitusyon.

Para ma-obtain ang absolute divorce, binigyang-diin ng komite na dapat may maihain na magkahiwalay o joint petition ang parehong mag-asawa.

Kasama sa joint petition sa mag-asawang may anak ang plano sa parenthood na makapagbibigay ng suporta, kostudiya, at living arrangements para sa kanilang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *