Dizon sa ‘Viral Scandal’ charater: tribute sa mga babae na nabiktima ng panghahalay

Itinuturing ng aktres na si Charlie Dizon bilang “tribute” sa mga kababaihan na nabiktima ng panghahalay ang kaniyang karakter sa bagong telerseye na “Viral Scandal”

Ginagampanan ni Dizon sa mystery psychological drama series ang papel ni Rica na nagkaroon ng scandal matapos ma-videohan ang panghahalay sa kaniya.

Ibinahagi ni Dizon sa ginanap na media conference noong November 18 na minahal niya ang karakter niya lalo na at representasyon ito ng mga babae sa na nagkaroon ng masalimuot na karanasan na katulad ng kay Rica.

Samantala, napag-usapan rin sa parehong media conference kung may mga plano ba ang aktres na magkaroon ng solo love team.

Ipinaliwanag ni Dizon na hindi pa ito napag-uusapan sa ngayon dahil wala pa ito sa kaniyang career path.

Pero sinabi niya na willing naman siya na makatrabaho ang kahit na sino.

Ipinunto rin ng aktres na marami siyang natutunan sa tuwing may mga bago siyang nakaka-partner sa mga teleserye.

Mababatid na nagsisilbi bilang katambal ni Dizon sa teleserye si Joshua Garcia na gagampanan ang karakter ni Charlie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *