Djokovic, balik training matapos manalo sa apela para manatili sa Australia

Balik na sa pagsasanay si Novak Djokovic, matapos itong manalo sa kanyang apela sa korte na manatili sa Australia.

Kaugnay nito, binigyang diin ng player na mananatili umano siyang focused para manalo sa record ng 21st tennis major.

Nagpapasalamat naman si Djokovic sa mga judge na nagpalaya sa kanya mula sa immigration detention at nagpigil para sa kanyang visa cancellation.

Samantala, hindi pa naman umano tapos ang laban kaugnay sa medical exemption ng world number one mula sa COVID-19 vaccination, para makapasok sa Australia at makapaglaro, dahil ikinokonsidera ng gobyerno ang iba pang paraan para mapa-deport ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *