Djokovic posibleng hindi makapaglaro sa French Open dahil unvaccinated

Haharangan rin na makapaglaro si Novak Djokovic sa French Open, matapos sabihin ng Sports Ministry, na walang exemption mula sa bagong vaccine pass law ng France.

Una nito, ang world number one na hindi bakunado laban sa COVID-19, ay pinadepoert mula sa Australia, bago ang first Grand Slam tournament ng taon, matapos kanselahin ng korte ang kanyang visa.

Dahil dito, nawala ang pag-asa ni Djokovic, na manalo ng record para sa 21st Grand Slam title sa Australian Open.

Ang vaccine pass law ng naturang bansa, ay inaprubahan noon lang Linggo, kung saan required ang mga tao na magpresenta ng certificate of vaccination, para makapasok sa mga public places.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *