Djokovic, sisimulan na  Australian Open campaign sa Adelaide

Sisimulan na ni Novak Djokovic ang kanyang bid para sa ika-10 Australian Open title sa Adelaide International, ito ay  matapos mabigyan ng visa ang Serbian para makapasok sa bansa.

Hindi nakuha ng world number five ang pagbubukas ng Grand Slam 2022 nang i-deport siya dahil sa kanyang vaccine status matapos ang isang high-stakes legal battle.

Inalis na ng Australia ang pangangailangan para sa mga bisita na magpakita ng patunay ng Covid vaccination at ang kanyang three-year ban ay binawi ng gobyerno noong Nobyembre.

Kakaharapin ni Djokovic ang isang malakas na larangan mula Enero 1-8 sa susunod na taon kung saan kasama rin sina Felix Auger-Aliassime, Daniil Medvedev at Andrey Rublev, kasama ang two-time Wimbledon champion na si Andy Murray.

Ang kanyang matagal nang karibal na si Rafael Nadal, ang defending champion sa Australian Open champion ay  gagamit ng United Cup, isang bagong mixed teams event sa Perth, Brisbane at Sydney, bilang kanyang warm-up sa Grand Slam.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *