DMW babantayan ang kaso ng 5 OFWs na nakulong sa UAE dahil sa Tiktok video

Nangako si Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople na babantayan nila ang kaso ng limang magkakaibigang overseas Filipino workers sa Sharjah, United Arab Emirates na nakulong matapos ireklamo ang kanilang pinost na video sa social media.

Sa isang ulat,  katuwaan lang raw sana ng magkakaibigan pag-upload ng video sa TikTok noong March 12, 2023.

Pero ang biruan nagdala sa kanilang lima sa kulungan matapos may magreklamo sa kanilang ginawa.

Ayon kay Sec. Ople, nairefer na sa prosekusyon ang kaso at hinihintay na lang ang schedule ng court hearing. Pero batay naman sa cybercrime law ng UAE,  posibleng pagmultahin at makulong ng limang taon ang ating mga kababayan dahil sa kanilang ginawa.

Samantala, nakatakdang makipag-usap sa employer ng limang OFWs ang  Philippine Embassy at Labor Attache sa UAE at gumagawa rin daw sila ng mga hakbang para sila ay madalaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *