DMW, irereview ang labor agreement sa Kuwait kasunod ng pagpaslang sa OFW na si Ranara

Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-review sa bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, kasunod ng pagkamatay ng overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, na batay sa direktiba ni Secretary Susan “Toots” Ople, napapanahon na umanong irepaso ang bilateral labor agreement at paigtingin ang proteksiyon sa mga OFWs.

Mababatid na sinasabing ang 35-anyos na si Ranara na ang bangkay ay natagpuang sunog sa gitna ng disyerto sa Kuwait ay ginahasa at nabuntis ng 17-taong gulang na anak ng kanyang employer.

Samantala, sinabi ng DMW na iniimbestigahan na rin nila ang recruitment process at standards para makapagbigay ng mas malakas na proteksyon sa mga OFWs.

Sinabi naman ni Cacdac na ang bilateral agreement na nilagdaan noong 2018 na nagpaso na noong May 2022, ay otomatikong mare-renew dahil sa automatic renewal clause.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *