DMW, patuloy na naka-monitor sa Morocco matapos nangyari ang magnitude 6.8 na lindol

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Morocco matapos mangyari ang magnitude 6.8 na lindol.

Ito’y sa pangunguna ni DMW Officer-in-charge (OIC) Hans Leo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang labor attache sa Rabat, gayundin sa Department of Foreign Affairs (DFA), upang alamin ang kondisyon ng tinatayang nasa 2,000 na mga Pilipino sa Morocco.

Sa ngayon, walang Pilipino ang naiulat na nasawi sa Rabat quake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *