DND at DOH OICs, mananatili sa puwesto – BBM

Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na wala pa rin silang nino-nominate na kalihim para sa Department of Health.

Matapos kasi ang halos kalahating taong ng kanyang administrasyon ay wala pa rin siyang itinatalagang full-fledged Secretary of Health.

Sa pagharap ni Marcos sa media matapos ang pagbisita nito sa KADIWA ng Pasko Caravan sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na maayos naman sa ngayon ang trabaho ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Aniya, sa ngayon ay hahayaan na muna niyang gawin ang tungkulin ni Vergeire sa Kagawaran lalo na’t may pandemya pa rin ng COVID-19.

Masaya rin daw siya sa sitwasiyon ngayon ng Department of National Defense kung saan, officer-in-charge pa lamang din ang designation ni Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.

Matatandaaang hindi pa maaaring maging Kalihim si Faustino dahil sa one-year ban na ipinatutupad sa mga retired military officials para sa appointment sa isang secretarial position.

Sa huli, hahayaan na umano muna nila ang prosesong gumulong at makapagtrabaho ang mga officer-in-charge sa mga nasabing Kagawaran.

Hindi rin isinasantabi ni Marcos ang posibilidad na mayroong mga natalong kandidato sa 2022 national elections na maging bahagi ng kanyang Gabinete sa susunod na taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *