DND, nilinaw na hindi nakikipagdigma sa China

Nilinaw ni Department of National Defense Secretary Gibo Teodoro, na hindi nakikipag digma ang Pilipinas sa China, kundi pino-proteksyunan lang ang teritoryo ng bansa, alinsunod sa international law.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon program, sinabi ni Teodoro na ang ginagawang swarming ng mga Chinese militia, mga illegal activities at mga panghaharang sa barko ng Pilipinas ay bahagi anya ng plano ng China na sakupin ang buong South China sea.

Gayundin ang pagtatanim ng China ng disinformation sa bansa na layong pahinain ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

Kaya hinimok ng kalihim ang lahat ng Pilipino na sama-samang tutulan ang mga ginagawang panghaharass ng China.

Samantala, pinasalamatan din ni Teodoro ang Tsinoy community na nagpahayag ng suporta laban sa expansionist agenda ng China.

Maglalabas din daw ang Tsinoy community ng kanilang statement na sumusuporta sa posisyon ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *