DOE, ipinag-utos ang pagsasagawa ng assessment sa mga energy facility sa bansa

Ipinag-utos na ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga energy facility sa bansa na magsagawa ng assessment kaugnay sa posibleng epekto ng magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang umaga at sa walang-tigil na pag-ulan sa buong Luzon dulot ng hanging habagat.

Inatasan din ng kalihim ang Task Force on Energy Resiliency na tumulong sa assessment at pagsamahin ang lahat ng impormasyon para sa public dissemination sa oras na maging available ito.

Sinai ng opisyal na ramdam ang pagkabahala ng lahat sa tila sunod sunod na kalamidad habang nananatili pa rin ang banta ng covid-19.

Aniya, walang pinipiling oras ang mga sakuna kung kaya’t patuloy umano ang pagsusumikap ng kagawaran na alamin at solusyunan ang maaaring naging epekto ng lindol at patuloy na pag-ulan sa imprastraturang pang-enerhiya.

Base sa inisyal na ulat mula sa energy stakeholders, walang matinding pinsala sa energy facility sa ngayon ang nangyaring lindol at ang walang humpay na pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *