DOE, kinumpirma ang oil price rollback sa susunod na linggo

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE), Oil Industry Management Bureau (OIMB) na magkakaroon ng roll back sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay OIMB Asst. Dir. Rodela Romero ito ay dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Inihayag ni Romero na ilan sa mga factor o rason na naka-apekto sa oil price sa world market ay ang development sa giyera ng Russia at Ukraine pati na rin ang mahabang lockdown sa China.

Hindi naman binanggit ni Romero ang halaga ng posibleng roll back sa produktong petrolyo sa Martes.

Subalit ayon sa ilang energy sources tinatayang nasa P2.50-P2.70 kada litro ang ibaba sa presyo ng gasolina, P2.00-P2.20 per liter naman sa diesel at P1.70-P1.90 per liter sa kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *