DOE, nanawagang magtipid ng kuryente sa harap ng inaasahan pagtaas ng demand at rates nito

Ipinayo ng Department of Energy na dapat mag-conserve ng enerhiya ang mga consumers sa harap ng inaasahan pagtaas ng presyo at demand nito sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, na ang simpleng behavioural changes at energy-efficient appliances aang mga paraan para maiwasan ang bill shock.

Batay sa supply and demand outlook ng ahensya para sa 2023, ang Luzon grid ay maaring isailalim sa yellow alert para sa buong buwan ng Mayo at ilang linggo ng Marso, Abril, Hunyo, Setyembre, Oktubre at hanggang sa Nobyembre.

Sinabi naman ni Energy Undersecretary Rowena Guevara, na ang mga hindi inaasahang power plant breakdowns ay maaring makaapekto sa suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *