DOE: Provision ng cash assistance para sa mga PUV drivers, posible

Posible umanong makatanggap ang mga drivers ng public utility vehicles ng cash assistance, sakaling hindi pagbibigyan ang panukalang fare hike o kung ito ay masyadong mababa.

Ayon kay Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, nakipagpulong sila sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at hinihintay nalang nila ang desisyon ng ahensya para sa panukalang fare hike.

Dagdag ni Abad, ang LTFRB ang tutukoy kung magkano ang ibibigay sa mga drivers.

Sinabi naman ni LTFRB executive director Joel Bolano, na ikinokonsidera ng ahensya ang pagbibigay ng cash o fuel subsidy.

Mababatid na hiniling ni Pasang Masda national vice president Jojo Martin ang fare hike na P2 hanggang P3, pero ayon kay Bolano, batay sa LTFRB’s computation at sa on year-on-year increases, ang hike ay maaring mas mababa. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *