DOF, BIR sinuspindi ang pagbuo ng special audit task forces

Ipinag-utos ng Department of Finance (DOF) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsuspendi sa Revenue Special Orders (RSOs) at Operations Memoranda (OMs) na lumikha ng mga special audit task forces upang maiwasan ang pagdoble ng mga tungkulin ng mga opisina ng BIR at maiwasan ang kalituhan ng tax payers.

Sa Memorandum na inisyu ni BIR Officer-in-Charge (OIC) Deputy Commissioner Marissa Cabreros, agad na ipinatupad ang naturang kautusan sa mga special audit task forces para sa mga real estate developer at direct selling/multi-level marketing, at ang operations memoranda na lumilikha ng mga task force para sa Philippine Offshore Ang Gaming Operators (POGOs) at electronic sabong (e-Sabong).

Binigyang-diin muli ng DOF ang direktiba sa BIR na ang lahat ng umiiral na pag-audit at pagsisiyasat sa ilalim ng mga RSO at OM ay dapat pangasiwaan ng mga revenue district offices kung saan nakarehistro ang mga kinauukulang nagbabayad ng buwis.

Kaugnay nito, ang lahat ng field audit at iba pang field operations sa ilalim ng task forces na awtorisadong magsagawa ng mga pagsusuri at pag-verify ng mga book of account, mga talaan at iba pang transaksyon ng mga taxpayers ay inutusan ding suspendihin.

Dahil dito, walang field audit, field operations o anumang anyo ng business visitation sa pagpapatupad ng anumang letter of authority o audit notice, letter notice o mission order ang dapat isagawa ng task forces.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *