DOF, hinimok ang ADB na gawing pantay ang financial aid sa lahat ng bansa

Nanawagan ang Department of Finance (DOF) sa Asian of Development Bank (ADB) na gawing pantay o balansehin ang financial aid sa lahat ng mga bansa.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na layunin nitong mapabilis pa ang pagbangon ng mga developing countries katulad ng Pilipinas.

Kaugnay nito’y sinabi ni Domiguez na kailangan na ng ADB na lawakan maging ang kanilang mga alok na loans portfolio sa susunod na limang taon.

Ayon kay Dominguez, kailangan nang mag-level up ang mga programa ng ADB na itinuturing na pinakamalaki at may pinakamalawak na karanasan bilang development institution sa Asia Pacific Region.

Paliwanag ng kalihim, iba na ang sitwasyon ngayon at mabilis na aniyang nagbabago ang tinatawag na landscape kaya dapat nang isama ng ADB sa kanilang loans portfolio ang patas na distribusyon ng covid-19 vaccines sa mga lower income countries.

Giit ng kalihim na sa kabila ng malawakang epekto ng covid-19 pandemic sa buong daigdig ay tila hindi aniya pantay ang antas ng pagtugon sa krisis.

Mas nakatatanggap aniya ng mataas na financial support ang mga bansang mauunlad para sa kanilang mamamayan dahil sa dami na rin nang financial resources kumpara sa mga bansang umuunlad pa lang kagaya ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *