DOF: Rice imports tax collection tumaas ng 14% sa unang 5 buwan

Pumalo sa P8.35-B ang nakolekto ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mga rice import tariffs sa unang limang buwan ng taon, dahilan para maitala ang double digit growth mula sa kaparehong period noong 2021, dahil sa maatas na bilang ng shipments na pumasok sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang bagong nakolekta mula sa rice import tariffs ay sumasalamin sa 14% increase mula sa P7.32 billion, mula Enero hanggang Mayo noong nakaraang taon, na nag-udyok sa 37% increase sa import volumes.

Saklaw sa latest collections ang 1.43 million metric tons ng rice imported para sa naturang period, o 36.9% na mataas kumpara sa 1.04 million metric tons na naitala sa comparable period ng 2021.

Nabatid na ang global average price ng bigas ay pumalo sa P16,712 per metric ton sa unang limang buwan ng taon, na mas mataas kumpara sa P19,977 per metric ton noong 2021.

Ito umano ay kasunod na naging epektibo ang Rice Tariffication Law noong March 5, 2022, na epektibong nagpapataw ng 35% na taripa sa mga imports mula sa mga kalapit na Southeast Asia. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *