DOF umaasang maipapasa sa 2022 ang iba pang tax reform packages ng Duterte Admin

Umaasa ang Department of Finance na maipapasa sa Kongreso ngayong 2022 ang iba pang tax reform packages ng Duterte administration.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kabilang dito ang mga panukalang magrereporma sa property valuation system at pag simplify ng capital market taxation.

Sinabi ng kalihim na noong 2021 nasa 3rd reading na ang mga DOF-supported amendment proposals sa Public Service Act (PSA), Foreign Investments Act (FIA), at Retail Trade Liberalization Act (RTLA).

Nabatid na ang Real property valuation reform, or Package 3 ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ay una nang naipasa noong 2019 subalit nanatiling pending sa senado hangang 2021.

Layon ng Package 3 na makabuo ng mas patas at maayos na real property valuation system habang pinapalawig ang tax base na gagamitin para sa property-related taxes ng national at local governments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *