DOH: 29% lang ng HFMD ang active cases

Hindi pa nakikita ng Department of Health ang pagdedeklara ng hand, foot and mouth disease outbreak sa kabila ng pagkakaroon ng 29% active cases.

Ayon kay Health Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kung titingnan ang kabuuang nangyayari, tinatayang 29% lang ang aktibong kaso ng HFMD, habang ang iba naman ay nakarekober na.

Dagdag ni Vergeire, magdedeklara lamang ng outbreak ang isang bansa kung lumampas na sa five-year trend, kung nagkakaroon na ng transmissions sa mga rehiyon, at kung nagsisilbi na itong banta sa seguridad ng bansa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 155 cases sa Metro Manila mula Oktubre hanggang Disyembre.

Pinabulaanan naman ng ahensya ang kumakalat na social media post na umano’y nagsasabing may outbreak na ng naturang sakit sa NCR. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *