DOH: 687 addt’l cases ng SARS-CoV-2 variants sa PH

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 687 na kaso ng SARS-CoV-2 variants sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, nasa 289 ang kaso ng B.1.1.7 variant, 380 ang B.1.351 variant at siyam ang P.3 variant cases ng SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng COVID-19 ang nakita mula sa 744 samples, batay sa bagong whole-genome sequencing report.

Dahil dito, ang kaso ng B.1.1.7 sa Pilipinas ay nasa 948, at 1,075 ang B.1.351 habang ang P.3 ay nasa 157 na as of May 3.

Samantala, nananatiling isa ang kaso ng P.1 variant na unang nadetect sa Brazil.

Sa ngayon, nasa 7,167 samples na ang nase-sequence ng Philippine Genome Center kung saan 5,917 ang may lineages. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *