DOH: 97% ng mga health workers sa NCR, nabakunahan na vs COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa 97% na ng mga health workers sa Metro Manila, ang nabakunahan na laban sa severe respiratory illness.

Batay sa nationwide count, 85% ng health care workers sa bansa ang nakatanggap na ng kanilang COVID-19 vaccine dose.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang natitirang 15% health workers ay mula sa mga probinsya na nagdadalawang isip kung magpapabakuna o hindi.

Giit ni Cabotaje, kailangang hikayatin ang mga barangay health workers, mga miyembro ng barangay emergency health response teams, na samantalahin ang pagkakataon na maprotektahan ang sarili laban sa respiratory illness. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *